Rekoleksyon ng Ikapitong Baitang ng St. Thomas

  •   Troubadour 2014
  •   September 1st, 2014
  •   sjsmadmin

By: Krystal Nudalo 

Upang maranasan ang espiritwal na komunikasyon sa Panginoon at mas makilala pa ang isa’t-isa, isinagawa ang rekoleksyon ng mga estudyante ng Grade VII – St. Thomas sa Redemptorist House, Neville Hills, Lahug noong ika-1 ng Setyembre, 2014.

Ang naging lokasyon ay naging perpekto para sa pagbabahagi ng mga karanasan, pakikipagkomunikasyon sa Panginoon at sa pagkilala ng sarili. Sumama rin ang kanilang guro na si Tr. Lea Icoy at ang dalawang madreng sina Sr. Liza at Sr. Melanie na parehong tumulong upang maging bukas sa kanilang sarili ang mga estudyante.

Nagsagawa sila ng isang aktibiti kung saan bawat mag-aaral ay malayang magpahayag ng kanilang problema at pinagdadaanan sa kanilang pamilya. Pagkatapos noon ay pinapanood sila ng isang palabas na may temang “learn to disconnect to reconnect” kung saan makakapulot sila ng magagandang aral na magagamit sa pangaraw-araw na buhay.

Pagkatapos ng tanghalian, ay ginawa nila ang pagkumpisal ng kani-kanilang mga kasalanan at agad namang sinundan ng isang makabuluhang misa sa pangunguna ni Fr. Pio. “Mas nabago ako ngayon. Tapos hindi ko talaga malilimutan ang araw na ito kasi dahil sa rekoleksyon na ito ay mas nakilala ko pa nang lubos ang sarili ko,” sabi ni Lanford Tajima, isa sa mga mag-aaral ng nasabing seksyon. Walang estudyanteng hindi nakangiti nang sila’y umuwi na dahil lahat sila ay para bang nailabas na ang kanilang mga hinanakit at mga problema sa buhay.